Holiday sa South Korea kaya nakapag-lakwatsa kami ng mga katrabaho ko. Pumunta kami sa Luneta para makapag-relax at mag-bonding. Last year pa yata nung huli kaming lumabas ng ganito.
7AM ang usapan na magkikita kami sa Luneta pero 8AM na sila dumating. They are true-blooded Pinoys talaga.
Ngayon lang rin uli ako nakapag-exercise ng todo. Masakit sa katawan pero ang sarap sa pakiramdam. ^^
Pagkatapos gumala at magpakapawis, dumiretso kami sa China Town sa Binondo para mag-lunch. Walang kwenta ang pagpapawis namin dahil nagpaka-bundat kami sa dami ng pagkain.
Gumawa rin pala kami ng sariling version namin ng Harlem Shake na sikat na sikat ngayon sa internet.
Sana mag-enjoy kayo. Haha.